Saturday, August 1, 2015

Aquino administration, di na gagawa ng mga grabang farm to market roads


SA ILALIM NG ADMINISTRASYONG AQUINO, DI NA GAGAWA NG MGA “ALL-WEATHER” ROADS NA GAWA SA GRABA ANG PAMAHALAAN.
AYON KAY AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA, MADALING MASIRA ANG MGA GRABANG DAAN DAHIL SA HINDI CLIMATE CHANGE RESISTANT ANG MGA IYON.
MARAMI SA MGA GRABANG DAAN, PAGKATAPOS NG BAHA O BAGYO, BASTA NA LANG NASISIRA O BIGLANG NAGLALAHO.
MALAKING PERA ANIYA ANG GINAGASTOS SA PAGPAPAGAWA NG MGA MAHINANG KLASENG DAAN NA KAILANGANG I-REPAIR NANG PAULIT-ULIT.
SABI PA NI SECRETARY ALCALA, MAY PINAPABORAN NA MGA CONTRACTOR AT NAGIGING SANHI NG DUPLIKASYON NG PROYEKTO ANG PAGPAPAGAWA AT PAG-AYOS SA MGA GRABANG DAAN.
KUNG SUSUNDIN ANIYA ANG STANDARDS NG D-P-W-H, MAS MATIPID ANG SAMPUNG MILYONG PISONG GASTOS SA PAGPAPAGAWA NG ISANG KILOMETRONG CONCRETE F-M-R, NA MAY KAPAL NA ANIM NA PULGADA  AT LAPAD NA LIMANG METRO, KUMPARA SA PAULIT-ULIT NA PAGPAPAGAWA AT PAG-AAYOS NG KALYENG GRABA.

NANINIWALA SI SECRETARY ALCALA NA SA KONTEKSTO NG CLIMATE CHANGE ADAPTATION, MAS MALAKI ANG BENEPISYO SA PAGPAPAGAWA NG SEMENTADONG DAAN, KAYSA PARATING PAGKUKUMPUNI SA MGA GRABANG DAANAN. -DA INFORMATION SERVICE
FMR Photo by www.cagayanvalley.net

About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com