NAKIKIPAGTAMBALAN SA LOKAL NA PAMAHALAAN ANG DEPARTMENT OF AGRICULTURE PARA
SA PAGSUSULONG SA CLIMATE-RESILIENT NA IMPRASTRAKTURA.
NAKIKIPAG-PARTNER SA APATNAPU’T SIYAM NA PROBINSYA AT LOCAL GOVERNMENT
UNITS ANG D-A PARA MAGPAGAWA NG SEMENTADONG FARM TO MARKET ROADS O F-M-R’S.
SA ILALIM NG WORLD BANK ASSISTED PROJECT NA PHILIPPINE RURAL DEVELOPMENT
PROJECT O P-R-D-P, AABOT SA DALAWANG LIBO APAT NA RAAN AT APATNAPUNG (2,440)
KILOMETRO ANG HABA NG IPAGAGAWANG CONCRETE FARM TO MARKET ROADS NA
NAGKAKAHALAGA NG 24.7 BILLION PESOS.
INAASAHAN NA PAG-UUGNAYIN NG MGA FARM TO MARKET ROADS ANG MAY ISANG
MILYONG MAGSASAKA SA KANILANG BUKID, PATUNGO SA HIGHWAY AT PAMILIHAN.
SABI NI AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA, DI LAMANG TINITIYAK NG D-A NA TALAGANG KINOKONEKTA
NG F-M-R’S ANG MAGSASAKA AT ANG MERKADO.
GARANTISADO RIN ANIYA NA ANG MGA PROYEKTO AY UMAAYON SA STANDARDS NG
WORLD BANK AT D-P-W-H, AT SA MGA KONDISYONG NAPAGKASUNDUAN SA CONTRACTORS. -DA INFORMATION SERVICE
Post a Comment