Friday, June 13, 2014

Patay ang isang 21-anyos na lalaki matapos tamaan ng kidlat habang pauwi sa Barangay Abot Molina sa Umingan, Pangasinan.

Malakas ang ulan na sinabayan pa ng kulog at kidlat nang pauwi na sana ang biktimang si Renato Cajilo sa kanilang bahay sa naturang barangay pero bigla itong bumulagta sa daan nang tamaan umano ng kidlat.

Nakitaan ito ng burns sa tiyan kung saan din nakita ang cellphone na inipit sa garter ng kanyang shorts.

Itinakbo ang biktima sa Umingan Community Hospital pero idineklara nang dead-on-arrival.

Paliwanag ng Provincial Disaster Risk Reduction And Management Council, bukod sa mga bagay na gawa sa metal tulad ng cellphone at sampayan, kabilang sa mga dapat iwasan kapag kumikidlat ang mga puno, matataas na poste, landline o telepono dahil maaari itong daluyan ng kuryente, gayundin sa ibang appliances.

Maaari rin daw dumaan ang kuryent sa mga pipe kaya iwasan ang paggamit ng bathroom fixtures tulad ng shower at gripo.

Umiwas sa open field. Makabubuting manatili na lang sa loob ng gusali, bahay at sasakyan. Report from Michelle Soriano


Magsasaka, patay matapos tamaan ng kidlat sa Pangasinan

Sa pakikipag-konsultasyon ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa pangunguna ni Regional Manager Mateo B. Zipagan at sa Raegional Agricultural & Fishery council of RAFC-Bikol, nabuo ang plano kung paano pipigilan ang posibleng pagkalat ng coconut scale insect sa Bicolandia.

Sa pamamagitan ng Resolution no. 01-12-13 na inendorso ng DA sa PCA
Ay narekomenda na matukoy ang mga lugar na tinatawag na buffer zone upang mapigilan ang malawakang pagkalat ng CSI sa bicol Region.
Subalit ayon kay Zipagan, hindi ganoon kadali ang maglagay ng 5 KM buffer zone sa pagitan ng Lalawigan ng Quezon at Bicol dahil sa 2 dahilan, una wala pang talagang pangharang sa pagitan ng 2 lalawigan para pigilin ang pagkalat ng mga nasabing insekto mula quezon papuntang bikol at masyado aniyang mahal ang paglalagay at pag mentina ng nasabing barrier.

Sa halip maari lang aniyang ma-quaratine at mamonitor ang pagkalat ng nasabing peste.

Ayon Kay  to Zipagan, the area will be from the eastern coastal tip of Sta. Elena (Camarines Norte) to the western coastal point in Tagkawayan, Quezon.



Dagdag dito, Enero pa lamang ngayong taon ng simulan ng  PCA at RAFC  ang kampanya para laban sa CSI sa pamamagitan ng pagpapakalat ng impormasyon sa mga magniniyog at paggawa ng plano kasama ang mga local chief executives sa rehiyon. Naghayag naman ang Local chief executives ng suporta para sa laban kontra CSI., Lumilibot sila sa mga bayan  doon para makipag pulong sa mga local na pamahalaan upang iparating ang mga kaukulang paghahanda para labanan ang nasabing peste sa niyogan. 

LABAN KONTRA COCONUT SCALE INSECT SA BICOLANDIA IKINASA

Sinimulan na ang Konstruksyon  ng kauna-unahang coco based agro-tourism destination sa lalawigan ng Bohol, ito ay sa pakikipagtulungan sa Philipine coconut Authority. Sa isang pahayag sinabi ni Governador Edgar m Chatto na ang proyektong ito ay kikilala sa bohol bilang modelong probinsya sa tinatawag na Agri-Based infrastructure , paglikha ng trabaho, negosyo  at livelihood development  mula sa sector ng mga Magniniyog.

2013 ng lumagda sa isang memorandum of agreement ang lalawigan ng Bohol  at PCA governing Board administrator Euclides G. Forbes  para suportahan ang Bayan ng Balilihan sa kanilang planong pagtatayo ng nasabing Based Agro-Industrial Hub.

Ngayong taon ang Provincial government of Bohol ay naglaaan ng kabuuang  5 milyong piso para sa nasabing Proyekto. Naniniwala sila na ang pagtatayo ng nasabing coconut Hub ay magbibigay ng malaking tulong sa mga magsaaka sa niyugan na matugunan ang kanilang pagpapalago ng negosyo sa pagbibigay ng capital, technical assistance at training facilities at market information upang mapataas ang mga kalidad ng mga produkto mula sa mga barangay at magkaroon ng tamang koneksyon sa merkado.

Ang lalawigan ng Bohol ay may halos 10 milyong puno ng niyog napinagkukunang taun-taon ng nasa 343 milyong  bunga nito, subalit dahil sa kakulangan ng puhunan at pasilidad ng mga magsasaka roon hindi sila makasabay sa mga marketing at value-added activities upang madagdagan ang kanilang mga kita sa niyugan kung kaya’t halos mapagiwanan ang kanilang mga tradisyunal na produkto sa merkado.
We quote coconut farmers in the province, for lack of capital and facilities, cannot adopt different marketing and value-adding activities to improve their income, rendering their traditional products non-competitive which resulted to limited incentives for farm productivity”, end quote. Pahayag ni Governor Chatto.


Maliban sa paglalaan ng pondo para sa coco based hub para sa mga kailangang equipment, bibigyan sila ng ayuda ng mga technical experts ng PCA para sa pagpaplano, implementation at pag-monitor ng processing center.

, “PCA will assist the province of Bohol in the rehabilitation and replanting of coconuts, as well as in the diversification and sustainable product development from coconuts” Pahayag ni  Administrator Forbes

, “is one major milestone to achieving the ‘BIG LEAP’ – Bohol’s Inclusive Growth Leads to Equitable Prosperity -dagdag naman ni governor Chatto.


BOHOL COCONUT AGRO-INDUSTRIAL HUB SINIMULAN NA

Pinaigting ng DA ang cloud sedding operation  upang makatulong sa pagpapabagsak ng ulan sa Central Luzon at Cagayan Valley kung nasaan ang mga tinatawag na watershed areas at mga sakahan upang matugunan ang  nararanasang tagtuyot . Inaasahang ding ganito ang isasagawa sa bahagi naman ng Visayas at Mindanao, ang hakbang na ito ay upang mapigilan ang higit pang pinsala sa agrikultura.

Sa ulat na ipinarating kay Agriculture Secretary Proceso Alcala ni Director Silvino Tejada ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) na nakapagsagawa na sila ng kompletong cloud sedding sa ibabaw ng Angat Dam at kalapit na mga lugar na may kabuuang
12 oras ar 10 minuto mula May 16 hanggang May 28.
Dagdag pa ni Tejada: Malaking tulong aniya ito upang mapigilan ang lalong pagbaba ng level ng tubig  mula sa 0.31 metro kada araw mula Mayo a-uno patungong .023 metro kada araw na lamang mula noong May 15 hanggang may 28.


Ang  Bureau of Soils and Water Management na siyang  inatasang ng DA na magsagawa ng nasabing cloud sedding operation ay nakatakda ring magsagawa ng katulad na proseso sa ibabawng Lake Lanao simula Setyembre upang makalikha ng maraming ulan na susuporta naman sa Agus at Pulangi Hydropower plants na siya naming pangunahing pinagkukunan ng Kuryernte sa Mindanao.
Isasagawa ito ayon narin sa kahilingan ng Mindanao Development Authority.
Nakatakda naming rekesahin ang hiling ng mga magtatanim ng tubo para sa cloud sedding sa mga pataniman sa Iloilo at iba pang taniman ng tubo sa Western Visayas sa pamamagitan ng Panay Federation of SugarCane Farmers Inc.

Matatandaang nitong Kalagitnaan ng Mayo, inanunsyo ni DA Sec. Alcala na humahanap ang departamento ng panimulang budget na 1.61 Billion para mapigilan ang  malalang epekto ng posibleng mahabang tagtuyot sa buong bansa. Sa nasabing mundo available na aniya ang 764.3 Million piso habang ang kakulangan ay hiniling sa Department of Budget and Management.
Halos kalhati ng pondong ito o iyong 729.9 million ang gagamitin para sa stocking at pamamahagi ng mga kaukulang supply, 340 million para sa pagpapatayo ng mga small-scale irrigation Facilities at 199.9 milyong piso ang para sa mga binhi.


“We are putting in place policy initiatives, water management and conservation measures, as well as modern and innovative farming and fishery technologies to somehow soften the effects of this dry weather,” 

Pinatindi ng Department o Agriculture ang operasyon ng cloud sedding para matugunan ang tagtuyot

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com