Friday, June 13, 2014

BOHOL COCONUT AGRO-INDUSTRIAL HUB SINIMULAN NA

Sinimulan na ang Konstruksyon  ng kauna-unahang coco based agro-tourism destination sa lalawigan ng Bohol, ito ay sa pakikipagtulungan sa Philipine coconut Authority. Sa isang pahayag sinabi ni Governador Edgar m Chatto na ang proyektong ito ay kikilala sa bohol bilang modelong probinsya sa tinatawag na Agri-Based infrastructure , paglikha ng trabaho, negosyo  at livelihood development  mula sa sector ng mga Magniniyog.

2013 ng lumagda sa isang memorandum of agreement ang lalawigan ng Bohol  at PCA governing Board administrator Euclides G. Forbes  para suportahan ang Bayan ng Balilihan sa kanilang planong pagtatayo ng nasabing Based Agro-Industrial Hub.

Ngayong taon ang Provincial government of Bohol ay naglaaan ng kabuuang  5 milyong piso para sa nasabing Proyekto. Naniniwala sila na ang pagtatayo ng nasabing coconut Hub ay magbibigay ng malaking tulong sa mga magsaaka sa niyugan na matugunan ang kanilang pagpapalago ng negosyo sa pagbibigay ng capital, technical assistance at training facilities at market information upang mapataas ang mga kalidad ng mga produkto mula sa mga barangay at magkaroon ng tamang koneksyon sa merkado.

Ang lalawigan ng Bohol ay may halos 10 milyong puno ng niyog napinagkukunang taun-taon ng nasa 343 milyong  bunga nito, subalit dahil sa kakulangan ng puhunan at pasilidad ng mga magsasaka roon hindi sila makasabay sa mga marketing at value-added activities upang madagdagan ang kanilang mga kita sa niyugan kung kaya’t halos mapagiwanan ang kanilang mga tradisyunal na produkto sa merkado.
We quote coconut farmers in the province, for lack of capital and facilities, cannot adopt different marketing and value-adding activities to improve their income, rendering their traditional products non-competitive which resulted to limited incentives for farm productivity”, end quote. Pahayag ni Governor Chatto.


Maliban sa paglalaan ng pondo para sa coco based hub para sa mga kailangang equipment, bibigyan sila ng ayuda ng mga technical experts ng PCA para sa pagpaplano, implementation at pag-monitor ng processing center.

, “PCA will assist the province of Bohol in the rehabilitation and replanting of coconuts, as well as in the diversification and sustainable product development from coconuts” Pahayag ni  Administrator Forbes

, “is one major milestone to achieving the ‘BIG LEAP’ – Bohol’s Inclusive Growth Leads to Equitable Prosperity -dagdag naman ni governor Chatto.


About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com