Malakas ang ulan na sinabayan pa ng kulog at kidlat nang pauwi na sana ang biktimang si Renato Cajilo sa kanilang bahay sa naturang barangay pero bigla itong bumulagta sa daan nang tamaan umano ng kidlat.
Nakitaan ito ng burns sa tiyan kung saan din nakita ang cellphone na inipit sa garter ng kanyang shorts.
Itinakbo ang biktima sa Umingan Community Hospital pero idineklara nang dead-on-arrival.
Paliwanag ng Provincial Disaster Risk Reduction And Management Council, bukod sa mga bagay na gawa sa metal tulad ng cellphone at sampayan, kabilang sa mga dapat iwasan kapag kumikidlat ang mga puno, matataas na poste, landline o telepono dahil maaari itong daluyan ng kuryente, gayundin sa ibang appliances.
Maaari rin daw dumaan ang kuryent sa mga pipe kaya iwasan ang paggamit ng bathroom fixtures tulad ng shower at gripo.
Umiwas sa open field. Makabubuting manatili na lang sa loob ng gusali, bahay at sasakyan. Report from Michelle Soriano
Post a Comment