Friday, June 13, 2014
Pinatindi ng Department o Agriculture ang operasyon ng cloud sedding para matugunan ang tagtuyot
Pinaigting ng DA ang cloud sedding
operation upang makatulong sa
pagpapabagsak ng ulan sa Central Luzon at Cagayan Valley kung nasaan ang mga
tinatawag na watershed areas at mga sakahan upang matugunan ang nararanasang tagtuyot . Inaasahang
ding ganito ang isasagawa sa bahagi naman ng Visayas at Mindanao, ang hakbang
na ito ay upang mapigilan ang higit pang pinsala sa agrikultura.
Sa ulat na ipinarating kay Agriculture Secretary Proceso Alcala ni
Director Silvino Tejada ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) na
nakapagsagawa na sila ng kompletong cloud sedding sa ibabaw ng Angat Dam at
kalapit na mga lugar na may kabuuang
12 oras ar 10 minuto mula May 16 hanggang May 28.
Dagdag pa ni Tejada: Malaking tulong aniya ito upang mapigilan ang
lalong pagbaba ng level ng tubig mula sa
0.31 metro kada araw mula Mayo a-uno patungong .023 metro kada araw na lamang
mula noong May 15 hanggang may 28.
Ang Bureau of Soils and Water Management na siyang inatasang ng DA na magsagawa ng nasabing
cloud sedding operation ay nakatakda ring magsagawa ng katulad na proseso sa
ibabawng Lake Lanao simula Setyembre upang makalikha ng maraming ulan na
susuporta naman sa Agus at Pulangi Hydropower plants na siya naming pangunahing
pinagkukunan ng Kuryernte sa Mindanao.
Isasagawa ito ayon narin sa kahilingan ng Mindanao Development
Authority.
Nakatakda naming rekesahin ang hiling ng mga magtatanim ng tubo
para sa cloud sedding sa mga pataniman sa Iloilo at iba pang taniman ng tubo sa
Western Visayas sa pamamagitan ng Panay Federation of SugarCane Farmers Inc.
Matatandaang nitong Kalagitnaan ng Mayo, inanunsyo ni DA Sec.
Alcala na humahanap ang departamento ng panimulang budget na 1.61 Billion para
mapigilan ang malalang epekto ng posibleng mahabang tagtuyot sa buong
bansa. Sa nasabing mundo available na aniya ang 764.3 Million piso habang ang
kakulangan ay hiniling sa Department of Budget and Management.
Halos kalhati ng pondong ito o iyong 729.9 million ang gagamitin
para sa stocking at pamamahagi ng mga kaukulang supply, 340 million para sa
pagpapatayo ng mga small-scale irrigation Facilities at 199.9 milyong piso ang
para sa mga binhi.
About the Author

reden
Author & Editor
Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.
What's Related?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Post a Comment