Friday, June 13, 2014

Agrikultura, tumaas ng 10% halaga sa unang quarter ng 2014

NARITO ANG ISANG ULAT MULA SA OPISYAL NA WEBSITE NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE. LUMAGO NANG MAHIGIT SA SAMPUNG PORSYENTO ANG HALAGA NG PRODUKSYON NG SEKTOR NG AGRIKULTURA SA UNANG TATLONG BUWAN NG TAONG KASALUKUYAN.

NAKAMIT NG MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA ANG MAS MATAAS NA KITA DAHIL TUMAAS NANG SAMPUNG PORSYENTO ANG PRESYO NG KANILANG MGA PRODUKTO. AYON SA ULAT NG PHILIPPINE STATISTICAL AUTHORITY, HALOS LAHAT NG PANANIM AY NAGTALA NG MAS MATAAS NA PRODUKSYON.

UMABOT SA 4.3 MILLION METRIC TONS ANG NAANING PALAY SA UNANG QUARTER NG TAON, ITO AY 3.38% NA MAS MATAAS KUNG IHAHAMBING SA ANI NOONG NAKARAANG TAON. MAS MATAAS SANA ANG ANI NG PALAY KUNG HINDI DAHIL SA PANANALASA NG BAGYONG SANTI, VINTA, AT YOLANDA, SA HULING BAHAGI NG TAON.

SA KABILA NG MGA KALAMIDAD, TUMAAS PA RIN ANG PRODUKSYON NG PALAY RESULTA NG PINALAWAK NA TANIMAN, PINAGBUTING SERBISYONG PATUBIG, AT PAGTATANIM NG MGA SERTIPIKADO AT HYBRID NA MGA BINHI.


ANG AGARANG PAGPAPALIT TANIM NA IPINATUPAD SA MGA SINALANTANG LUGAR AY NAGRESULTA SA MAS MABILIS NA PAGBANGON NG MGA NASIRANG PALAYAN.

About the Author

reden

Author & Editor

Has laoreet percipitur ad. Vide interesset in mei, no his legimus verterem. Et nostrum imperdiet appellantur usu, mnesarchum referrentur id vim.

Post a Comment

 
RADIO TAGKAWAYAN © 2015 - Designed by Templateism.com