NARITO
ANG ISANG ULAT MULA SA PAHAYAGANG THE PHILIPPINE STAR. HINILING NG DEPARTMENT
OF AGRICULTURE ANG SERBISYO NG PHILIPPINE AIRFORCE SA PAGSASAGAWA NG CLOUD
SEEDING OPERATIONS SA LALAWIGAN NG NUEVA VIZCAYA. ITO AY MATAPOS NA BIGLANG
BUMAGSAK NOONG NAKARAANG BUWAN ANG ISANG PRIBADONG EROPLANO NA NAG CLOUD
SEEDING SA LALAWIGAN.
AYON SA
PAHAYAG NI CELERINA MIRANDA, PROVINCIAL AGRICULTURE OFFICER NG NUEVA VIZCAYA,
MAS SANAY ANG MGA TAUHAN NG AIR FORCE SA OPERASYON AT MAS MALALAKI ANG KANILANG
MGA SASAKYANG PANGHIMPAPAWID KUNG IHAHAMBING SA MGA EROPLANONG PAGMAMAY-ARI NG
MGA PRIBADONG KOMPANYA, NA KARANIWANG GINAGAMIT NG D-A SA CLOUD SEEDING.
ANG
DESISYON NG D-A AY DUMATING, MATAPOS NA BUMAGSAK SA ISANG MAISAN SA BAYAN NG
BAGABAG, ANG PRIBADONG EROPLANONG NAGSASAGAWA NG CLOUD SEEDING OPERATIONS NOONG
APRIL 27.
ANG PILOTO AT TATLONG CLOUD SEEDING SPECIALISTS NG BUREAU OF SOILS
AND WATER MANAGEMENT AY NAMATAY SA NASABING AKSIDENTE. PINAGBAWALAN NA NG NG
D-A ANG MGA EMPLEYADO NITO SA PAKIKILAHOK SA ANO MANG CLOUD SEEDING OPERATIONS.
BATAY SA D-A, ANG OPERASYON NA MAGTATAGAL SANA NG TATLUMPUNG ARAW,
AY PARA MAPIGILAN ANG MAGAT DAM SA PAGITAN NG LALAWIGAN NG IFUGAO AT ISABELA,
NA DUMATING SA CRITICAL WATER LEVEL.
BUKOD SA PAGPAPATUBIG SA MAHIGIT WALUMPUNG LIBONG EKTARYA NG
SAKAHAN SA ISABELA, CAGAYAN, AT QUIRINO, NAKAPAGBIBIGAY ANG MAGAT DAM NG DI
BABABA SA THREE HUNDRED EIGHTY MEGAWATTS NG KURYENTE, KAYA ITINUTURING ITONG
IKALAWA SA PINAKAMALAKING POWER PROVIDER SA LUZON GRID.
Post a Comment