NARITO ANG ISANG ULAT MULA SA OPISYAL NA WEBSITE NG DEPARTMENT OF
AGRICULTURE. NAKABABAWI NA ANG KARAMIHAN NG MGA SAKAHANG SINALANTA NG
SUPERTYPHOON YOLANDA DAHIL SA MGA IBINIGAY NA TULONG NG DEPARTMENT OF
AGRICULTURE SA SEKTOR NG AGRIKULTURA’T PANGISDAAN.
SA PAMAMAGITAN NG RECONSTRUCTION ASSISTANCE ON YOLANDA, NAISAAYOS
NG KAGAWARAN ANG HALOS ANIM NA RAAN AT PITUMPUNG LIBONG METRO NG IRRIGATION
CANALS. NAIPAMAHAGI RIN NG D-A ANG MGA BINHI AT IBA PANG PANANIM AT KAGAMITAN,
GAYA NG ABONO, TRAKTORA, TOOLS, AT MAKINARYA.
NAMIGAY RIN NG MGA BAKA AT MANOK PARA MAS MABILIS NA MAKA-RECOVER
ANG MGA APEKTADONG MAGSASAKA. KINUMPIRMA NI AGRICULTURE SECRETARY PROCESO
ALCALA NA MAHIGIT SA ANIMNAPU’T APAT NA PORSYENTO NG KABUUANG HABA NG
IRRIGATION CANALS ANG NASIRA NG SUPERTYPHOON YOLANDA.
NGUNIT IDINIIN NIYA NA SA PAMAMAGITAN NG MAAGANG INTERVENTIONS,
GAYA NG PAGBIBIGAY NG BINHI NG PALAY, MAIS AT GULAY, NATIYAK NG D-A NA
MAGKAKAROON NG SAPAT NA SUPPLY NG PAGKAIN ANG MGA APEKTADONG MAGSASAKA, BAGO PA
MAN MAUBOS ANG RELIEF GOODS MULA SA GOBYERNO, N-G-O’S, AT INTERNATIONAL
ORGANIZATIONS.
Post a Comment